Digmaang Pilipino-Amerikano
Ang Digmaang Pilipino-Amerikano
Linggo, Setyembre 26, 2021
Paano nga ba nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano?Anu-ano ang naidulot nito sa mga Pilipino at sa ating bansa?
Noong ika-19 siglo, ang United States ay naging isa sa pinakamakapangyarihang bansa sa mundo. Noong mga panahong tutulungan ng mga Amerikano ang Pilipino sa paglaban sa mga Espanyol binigyan nila ng buong suporta ang mga Amerikano kabilang na si Emilio Aguinaldo. Hinimok pa niya ang ma katutubo na tumulong sa paglaban.
Noong Mayo 1, 1898, dumating ang iskwadron ng mga Amerikanong si Commodore George Dewey. Noon din ay nagsimula ang labanan sa Manila Bay.
Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino nakipagsundo ang mga Amerikano sa mga Espanyol at noon ngang Agosto 13, 1898 naganap ang pagkukunwaring labanan ng mga Amerikano at Espanyol. Isinuko ng mga Espanyol ang lungsod ng Maynila sa mga Amerikano. Subalit simula noon ay hindi na pinayagang makapasok ang mga Pilipino sa Maynila at kung sila ay magpumilit ay babarilin sila. Dito na nagsimula ang hindi pagkakasundo ng Pilipino at Amerikano.
Pagkaraan ng ilang buwan, pumirma ang mga kinatawan ng Spain at Amerika sa Kasunduan sa Paris. Ito ay naganap noong Disyembre 10, 1898. Ito ay lubhang ikinagalit ng mga Pilipino.
Kasunduan sa Paris
Sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya, minarapat nilang tumawag ng kongresong bubuuin ng mga kinataawang halal ng mga lalawigan. Noong Enero 23,1899, pinasinayaan ang unang Republika ng Pilipinas na mas kilala bilang Republika ng Malolos. Si Heneral Emilio Aguinalso ang nahalal na unang pangulo subalit ito ay hindi kinilala ng mg Amerikano.
Kongreso ng Malolos Emilio Aguinaldo
Noong Pebrero 4, 1899 may dalawang Pilipino na pinaputukan ng mga Amerikano sa panulukan ng Kalye Silencio at Sociego, Sta.Mesa, Maynila. Dito na nagsimula ang digmaan ng Pilipino at Amerikano.
Maraming naganap na labanan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano sa loob ng tatlong taon. Buong giting na lumaban ang mga Pilipino sa pagnanais na makalaya sa pananakop ng mga Amerikano.
Buong tapang na lumaban ang mga Pilipino laban sa Amerikano kabilang na si Heneral Antonio Luna, subalit sila ay natalo at umurong. Maraming lugar pa sa paligid ng Maynila ang nasakop ng sundalong Amerikano. Dahil sa labanang ito, maraming nasawing Pilipino, subalit naging matibay pa rin ang loob ng mga Pilipino na lumaban at ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Amerikano.
Sa pangyayarig naganap sa digmaang Pilipino at Amerikano, maraming Pilipino ang nagbuwis ng buhay, maraming tahanan at ari-arian ang nasira, maraming lumikas sa kani-kanilang lugar dahil sa kagustuhan na makalaya sa pananakop ng Amerikano patuloy na lumaban ang mga rebolusyonaryong Pilipino. Noong Setyembre 28, 1901, naganap ang isang labanan sa Samar sa pangunguna ni Heneral Vicente Lucban. Sila ay nagtagumpay at maraming sundalong Amerikano ang namatay. Sa nangyaring ito gumanti ang mga Amerikano at ipinatay ang mga tao sa Samar. Mahigit 15,00 mga mamamayan ang walang awang pinatay kabilang na ang mga batang lalaking may gulang na 10 pataas.
Noong Hulyo 4, 1902, pormal na idineklara ni Presidente Theodore Roosevelt ang pagtatapos ang digmaang Pilipino at Amerikano.
Makikita sa digmaang Pilipino at Amerikano ang pagiging matapang ng mga Pilipino at pagmamahal sa bansa. Handang ibuwis ang buhay para sa kalayaan at handang lumaban para ikabubuti ng kapwa Pilipino at ating bayan.
Comments
Post a Comment